^

Para Malibang

Lower back pain (5)

BODY PAX - Pang-masa

Mga lunas sa lower back pain:

Ugaliin ang pag-eehersisyo. Magbisikleta, lumangoy, maglakad, upang mapanatiling malusog ang inyong likod. Ang yoga ay isa ring magandang paraan upang kalabanin ang mga kirot sa likod subalit tiyaking ito ay nagagabayan kayo ng isang eksperto.

Itaas ang mga paa. Upang mapawi ang pana­nakit ng likod, isang madaliang paggamot upang guminhawa ay ang humiga sa kama at isandal ang mga paa sa dingding, na ang mga binti ay 90 degree angle sa inyong dibdib.

Gumamit ng komportableng kasuotan. Ang masisikip na pantalon o palda ay pumipigil sa mala­yang pagkilos lalo sa bahagi ng baywang at likuran.

Labanan ang osteoporosis.Upang maiwasan ito, ipinapayo ng mga doktor ang pagkonsumo ng mga pagkaing may sapat na bitamina ng calcium at ang regular at hindi kabi­gatang pag-eehersisyo.

Umiwas sa pagsusuot ng sapatos na mataas ang takong. Ang paggamit ng sapatos na may isa at kalahating pulgada o may tatlo hanggang apat na sentimetro ang taas ay makapagdudulot ng dagdag na pasanin sa inyong likod.

Baguhin ang posis­yon. Kapag ang trabaho ay nangangailangan ng mahabang oras ng pag-upo, tumayo kada oras at maglakad-lakad. Ganoon din sa pagtayo. Bigyan ang sarili ng ilang sandali ng pag-upo at gawin ang iba pang trabaho.

Wastong Pagkain

Maraming pinagmumulan ang pagsakit ng likod subalit mahalaga pa rin ang pagkonsumo ng pagkaing balanse sa sustansiya.

Ugaliin ang pagkakaroon ng tamang postura. Magpababa ng timbang, at palakasin ang mga buto. Upang mapanatili ang malusog at malakas na buto sa inyong likod, kumain ng prutas, sariwang gulay at isda, at umiwas sa taba ng hayop, asukal, asin, alkohol, tsaa at kape. Ang kakulangan sa sapat na bitamina at mineral ay makasasama sa sirkulasyon ng dugo na magiging sanhi ng pagkakaroon ng sakit sa likod, tensiyon sa leeg, at paninigas ng kalamnan.

BAGUHIN

BIGYAN

GANOON

GUMAMIT

LIKOD

UGALIIN

UPANG

WASTONG PAGKAIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with