Napakaraming tao na dumaranas at nagdurusa dahil sa kanilang pagiging insomniacs o taong hindi makatulog sa gabi. Sa totoo lang halos kalahati ng populasyon sa America ay dumaranas ng ganitong sakit, ang hindi makatulog. Kaya lang ang hindi alam ng marami may mga paraan naman para makatulog at may mga pagkain na makakatulong para rito.
Narito ang ilang pagkaing dapat kainin para magkaroon ng maayos na pagtulog:
Pagkaing mayaman sa protina – Bakit hindi mo subukang kumain ng turkey, manok, itlog at gatas sa gabi bago matulog? Ang mga pagkaing ito ay mayaman sa amino acids at protina. Tumutulong ang mga pagkaing ito upang makapaglabas ang iyong katawan ng hormones na serotonin at melatonin na siyang magsasaayos ng iyong “circadian rhythms” para magkaroon ng masarap na pagtulog.
Whole grains – Ang pagkain nito ay makakatulong para ma-convert ang tryptophan sa serotonin at melatonin upang magkaroon ng protina. Mas magiging epektibo ang whole grains kung sasamahan ito ng baked potato at kalabasa. Mahusay pang pagkunan ang mga pagkaing ito ng Vitamin B na nakakatulong pa rin sa pagtulog.
Tart cherries – Kung may mabibili kang tart cherries sa mga kilalang bake shop o supermarket, bakit hindi mo subukan ito? Nakakatulong ito para ang tryptophan ay sumama agad sa iyong dugo patungo sa utak para makapaglabas ng sariling melatonin na siyang magpapaantok sa’yo.