10 Tips para sa Men’s Sexual Health
Last part
Mag-Kegel exercises – Karaniwang inuugnay ito sa mga babae. Ang Kegel exercises ay makakatulong sa sexual enjoyment rin ng mga lalaki. Ang Kegels ay paraan para palakasin ang muscles na kumukunekta sa base ng penis at sa tailbone. Ang mga muscles na ito ang komokontrol sa pagdaloy ng fluids sa urethra, kaya kung makokontrol ito maaari mong madelay ang ejaculation para mapatindi ang orgasm. Para malaman kung ano ang mga muscles na ito, subukang pigilan ang ihi sa susunod na magbabanyo ka. Ang mga muscles na ito ang kailangang higpitan kaya para gawin ang Kegels, impitin ang mga naturang muscles ng ilang segundo Kapag kino-contract ang mga muscles na ito, napapalakas ito at mas ‘maliligayahan.
Gumamit ng lubricants – Kapag nagkakaedad ang mga lalaki, unti-unting nakakaranas ng pagkawala ng sensitivity ang kanilang penis. Makakatulong ang lubricants sa problemang ito para mas makakagalaw at mas ‘mag-e-enjoy.’.
Magkaroon ng yearly check-up – Alam nating takot magpatingin sa doctor ang mga lalaki pero kung nais mamintina ang kalusugan at sexual health, siguraduhing magkaroon ng physical check-up taun-taon.
Iwasan ang mga illegal substances – Merong iba na gumagamit ng droga para ma-high sa pag-iisip na mas mag-e-enjoy sila sa sex. Pero kabaligtaran ang epekto nito. Kung nais makaiwas sa erectile dysfunction, umiwas sa droga.
Magkaroon ng positibong pag-uugali – Ayon sa mga pag-aaral, ang mga lalaking may positibong pananaw sa buhay ay mas OK ang sex-life kaya huwag seryosohin ang buhay, makuntento kung ano meron ka at enjoyin ang buhay.
- Latest