Nahulog sa manhole

Panaginip: Lahat ng naging girlfriend ng aking present boyfriend ay galit sa akin kaya hinabol nila ako. Sa aking pagtakbo ay nahulog ako sa manhole at bigla akong nagising.---La Vida Loca’85

Interpretation: May gumugulo sa iyong isip na nagbibigay sa iyo ng hindi maipaliwanag na takot. Ang paghulog mo sa manhole ay signal  na may namumuong insecurity diyan sa iyong puso. Sa anggulo ng pag-ibig, maaaring iniisip mong isang araw ay bigla ka lang iiwanan ng iyong karelasyon. O, kaya ay may trabaho kang napalpak at ito ang iyong pinoproblema.

Show comments