^

Para Malibang

Palikerong BF

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Tawagin mo na lang akong Carmi, 29, dalaga. May boyfriend po ako pero may pamilya na siya. Masyadong kumplikado ang relasyon namin at on and off kami sa loob ng tatlong taon. Kasi tuwing malalaman  ko na mayroon pa siyang ibang babae nagagalit talaga ako at nakikipag-break sa kanya. Kaya lang dahil siguro nasa iisang komunidad lang kami ay palaging bumabalik ang feelings namin sa isa’t isa. Nag-break kami ng halos isang taon kaya lang bago pa man matapos ang 2014 ay nagkabalikan kami. Kaya lang minsan nakita ko yun fb niya at nakita ko uli yun dating babaeng alam ko na naging gf niya. Sa tingin ko ay nagkakamabutihan muli sila at natatakot ako na isang araw ay madiskubre kong tama ang hinala ko at tiyak na mauulit lang ang naging dahilan ng pakikipag-break ko sa kanya. Tinanong ko naman siya kung gf niya pa ba ang babaeng ito, at sinabi naman niyang wala na sila. Pero, 80% ng utak ko ay nagsasabing sila pa. Anong dapat kong gawin?

Dear Carmi,

Mas mabuti pang lumayo ka na lang muna sa bf mo ng kahit na kaunting panahon para pag-aralan ang feelings mo at ang sinasabi niya kung ito’y totoo. Mas mabuti pa nga kung talagang hihiwalayan mo na ang lalaking ito dahil bukod sa pamil-yado ay mayroon pang ibang babae bukod sa’yo. Dapat ka tala-gang mag-isip ng isang milyong beses bago ka muling pumasok sa pakikipagrelasyon mo sa kanya. Dahil kung uulitin mo ang mahalin ang ganitong klase ng lalaki, tiyak na masasaktan ka lang uli. Huwag mong i-torture ang puso mo sa ganitong klase ng lalaki. Isipin mong may maganda ka pang kinabukasan at makakakita pa ng lalaking ikaw lang ang mamahalininity.

Sumasaiyo,

Vanezza

 

ANONG

CARMI

DAHIL

DAPAT

DEAR CARMI

DEAR VANEZZA

HUWAG

ISIPIN

KAYA

LANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with