^

Para Malibang

Kagilagilalas na organ (Part 3)

BODY PAX - Pang-masa

Gabay Para Protektahan ang Atay

1. Kumain ng mga organic foods

Ang ating mga kinakain ang isa sa mga nagpapahirap sa ating atay dahil karamihan sa ating mga kinakain ay kontaminado ng pestisidyo, pataba sa pananim at iba pang mga kemikal.

Sa pagakain ng organic na pagkain ay matatamo natin ang puro at malinis na pagkain na kailangan ng ating atay upang maiwasan ang pagkasira nito. Ang organic foods ay kailangang ito ay walang ginamit na synthetic na fertilizer, antibiotics, growth hormones at iba pang kemikal na maaaring makasira sa atay.

 2. Limitahan ang pagkunsumo ng fructose, mga prinitong pagkain at processed foods na mayroong fats o hydrogenated oils. Ang  trans fats ay karaniwan sa mga prinitong pagkain katulad ng  French fries, doughnuts at iba pang pagkain kagaya ng cookies, biskwit at iba pang processed foods. Kapag ang ingredient ay mayroong “hydrogenated” o “partially hydrogenated” oil, ito ay mayroong trans fat. Ang fructose ay makikita rin sa ilang processed foods gayun din sa soda at fruit juice.

Ayon sa pag-aaral ng Hepatology, ang pagkain na mataas sa  fructose at trans fats ay nagiging dahilan ng obesity at fatty liver disease.

3. Kumain ng prutas, gulay at iba pang pagkain na makakatulong upang maging malusog ang ating atay.

Ang pagkain ng sariwang prutas at gulay ay makakatulong upang ma-detoxify ang ating atay. Mga pagkain na mayaman sa sulfur katulad ng bawang, sebuyas at mabeberdeng gulay (broccoli, kale, collard greens, repolyo, cauliflower, etc.) ay kilalang liver detoxifying foods. Ang gulay ay mainam na pinanggagalingan ng fiber, na nakakatulong upang maalis ang toxins sa ating digestive tract, nakakabawas ng stress sa ating atay. Turmeric, cinnamon at licorice ay kilala rin na nakatutulong sa atay upang gumana ng maayos.

 

ATAY

ATING

AYON

FOODS

GABAY PARA PROTEKTAHAN

KAPAG

KUMAIN

LIMITAHAN

PAGKAIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with