Mas mahal ang ‘other woman’’

Dear Vanezza,

May nakarelasyon po ang mister ko nang magtrabaho siya sa ibang bansa. Sabi niya sa akin, malungkot doon kaya naging sila. Pinatawad ko po siya dahil sa a­ming mga anak. Pero ang masakit palagi ko pa rin silang nahuhuling may communication at sustentado niya ang babae kahit wala naman silang anak. Pala­ging sinasabi ng mister ko na tapos na raw ang relasyon nila kapag nahuhuli ko ang mga text ng babae pero paulit-ulit ko pa rin silang nahuhuli. Pag lumuluwas po ang babae dito sa Maynila ay halos hindi siya nagpaparamdam sa amin na umaabot ng isang linggo at silang dalawa ang magkasama. Dapat ko na po bang hiwalayan ang mister ko? Tatlo pa po ang nag-aaral sa lima naming anak. Nararamdaman ko po na mas mahal niya ang babae niya kaysa sa akin. Ano pong gagawin ko? - Terry

Dear Terry,

Ang paghihiwalay ay siyang pinakahu­ling dapat ikonsidera ng mga may problema sa asawa. Kasi ang problema ay dapat pagsikapang hanapan ng kalutasan. Kung tala­gang walang-wala nang re­medyo at wala nang kahahantungang mabuti ang pagsasama, si­guro doon pa lang dapat isaalang-alang ang paghihiwalay. Mag-usap muna kayong mabuti na mag-asawa at sikaping maresolba sa maayos na paraan ang inyong suliranin. Wala naman ta­yong divorce sa Pilipinas pero mayroong marital annulment. Sumangguni ka sa abogado tungkol dito.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments