Binangga ng Tren ang Bahay

Panaginip: Pinapanood ko mula sa mataas na building na nabangga ng tren ang aming bahay. Isang carriage ang humiwalay sa tren at bumangga sa aming bahay. May dumating na ambulance kung saan nakasakay ang tatlo kong ex-boyfriends. Jovita

Interpretation: Ang ambulansiya ay nagpapahayag na ang iyong lovelife ay may matinding problema na nangangailangan ng atensiyon. Marahil ay may naiwan kang isyu sa iyong mga naging ex na hanggang ngayon ay hindi pa nareresolba. Nakipaghiwalay ka sa kanila na may nakabiting isyu na dapat ay nasolusyunan bago pa  man ikaw nakipag-break sa kanila.

Show comments