Ang dragon fruit ay isang prutas na nagmula sa cactus na nabubuhay sa tropical at subtropical na lugar kagaya ng Asia at Latin America. Kilala rin ito sa pangalang pitaya. Ito ay mayroong dilaw o pulang balat na may berdeng kaliskis, na may tinik, sa loob ay may puti, magenta at pink na laman na may maliliit na itim na buto. Naririto ang ilan sa benepisyo ng dragon fruit sa kalusugan:
• Ang dragon fruit nakakapagpalakas ng immune system. Mayaman ito sa bitamina C at fibers na tumutulong upang magkaroon ng malusog na pangangatawan.
• Tumutulong sa maayos na panunaw. Dahil ito ay mayaman sa fiber na makatutulong sa maayos na digestion ng pagkain. Pinalalago o pinadadami nito ang probiotics.
• Pinapababa nito ang pagtaas ng lebel ng glucose ng may type 2 diabetes. Ayon sa mga pag-aaral na ang glucose na makikita sa dragon fruit ay tumutulong na makontrol ang lebel ng blood sugar ng mga pasyenteng may diabetes.
• Hinahadlangan nito ang pagkakaroon ng free radicals na sanhi ng cancer. Ang prutas na ito ay mayaman sa mineral at fiber na tumutulong sa digestion, toxic ingredients na humahadlang upang magkaroon ng colon cancer.
• Ang prutas na ito ay may anti-oxidant. May mataas na presensya ng lebel ng bitamina C, mineral at pytoalbumin na isang magandang basehan na panlaban sa free radicals at pagkakaroon ng anti-oxidant properties.
• Tumutulong din ito na makontrol ang lebel ng cholesterol. Ito rin ay mayaman sa flavonoids na kilala na mabisang panlaban sa sakit sa puso.