^

Para Malibang

Patay na ako, mahal 8

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

“KAILANGANG makausap ko si Tita Soledad, kundi’y mababaliw na ‘ko sa lungkot at pag-iisa rito sa musoleyo,” diin ni Avery sa sarili.

Bukod sa makulit na si Russell, ang tita lang niya ang nakakakita sa kanya kahit alam na siya’y patay na.

Ang kakayahan nga nina Russell at Tita Soledad ang tinatawag ni Avery na 3rd eye o sixth sense.

Nag-dial nga si Avery sa landline ng tiyahin. Nag-ring ang kabilang dulo ng linya.

KRIING...KRIING... KRIING...

Sa pang-apat na ring ay may sumagot. “Halu, telepon?”

Napalunok si Avery, nahulaang isa sa mga katulong na taga-Visayas ang nakasagot; hindi ang tita niya.

Nasa dilemma si Avery, nagdadalawang isip kung sasagot o hindi. Kapag sasagot siya at mariri­nig ng maid, tiyak na itatanong nito kung sino siya.

“Kapag sinabi kong ako si Avery na patay na, e di magtatatarang sa takot ‘tong maid,” naisip ni Avery.

“Halu, halu?”

“Maari ko bang makausap si Madam Soledad?” sagot ni Avery. Bahala na raw sa mangyayari.

“Nasa banyu po. Sino po ikaw?”

“Kuwan...ako si M-Madam Auring.”

Na-excite ang maid. “Ayy, kayu ‘yung nanghuhula ng kapalaran! Ako po si Tonya na pinsan ni Tasing!  Magkakatuluyan pu ba kami ni Tulume?”

Surprisingly ay hindi nainis sa pakikipag-usap si Avery. Kahit sinong taong buhay ay nanaisin niyang makakuwentuhan.

“Madam, halu? Nandiyan pa ba kayu?”

“Yes, Tonya, magkakatuluyan kayo ni Tulume”.

Natuwa ang maid pero saglit lang. “Naku, n-nandito na po a-ang hinahanap ninyo, Madam”.

Narinig ni Avery ang boses ng tiyahin. “Hello, who’s on the line?”

Nag-demand si Avery. “Tita Soledad, puntahan mo ako rito sa musoleyo ngayundin! Ano bang klaseng patay ako?” 

(Itutuloy)

ANO

AVERY

HALU

KAPAG

M-MADAM AURING

MADAM SOLEDAD

TITA SOLEDAD

TONYA

TULUME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with