Dopamine at sex
Tulad ng malamig na panahon ngayon, Lumalamig din ba ang iyong sex life?
Dumarating talaga sa puntong lumalamig ang relasyon ng partners. Pero may strategy para muling magbalik ang ‘init ng pag-ibig.’
Kapag nai-inlove ang tao, ‘mainit ang sex… pero sa umpisa lang ‘yan. Tumatagal ng anim na buwan hanggang isang taon at kahit matibay na ang inyong relasyon at malalim na ang inyong commitment, ang sex ay nagiging routine na lamang at dumarating sa puntong boring na ito.
Kung nais pag-initin uli ang lumalamig na pag-ibig, isa lang ang susi dito, Pataasin ang dopamine.
Ang Dopamine ay neurotransmitter na tumutulong sa pagkontrol sa reward at pleasure centers ng utak. Ito ang mitsa ng sexual fire at ito rin ang pumapatay nito.
Ang mataas na dopamine ay dahilan ng ilang reactions tulad ng exhilaration, nahihirapang mag-concentrate at matulog, malakas ang tibok ng puso, nawawalan ng gana, nao-obsess na lahat ay elemento para main-love ng husto ang isang tao.
Kapag tumataas ang dopamine, tumataas din ang testosterone ang hormone na nagpapainit ng sexual desire sa babae at lalaki. Ngunit bumabalik din sa normal level kaya ang taong sobrang in love ay lumalamig din.
Pero may paraan para mapataas uli ang dopamine at tatalakayin natin ito sa mga susunod na artikulo. Itutuloy
- Latest