^

Para Malibang

Ayaw mag-ampon

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Ako po si Tesa, 38 years old. May edad na po ako ng maisipan kong mag-asawa. Kuntento na sana ako sa buhay ko kung may anak lang sana kami. Naghahanap pa rin ako ng paraan para magkaanak at pag-aampon ang alam kong solusyon. Kaya lang parang wala akong guts na mag-alaga ng hindi ko anak. Minsan ay natukso akong magpagalaw sa ibang lalaki ngunit nanaig pa rin ang aking takot sa Dios. Pati ang pinsan ko ay naisipan kong pagtripan. Lingid sa kaalaman ng asawa ko ay lagi akong nagpapamasahe at nagpapasama sa pinsan ko kahit saang lakad. Masaya ako kapag kasama ko siya. May problema ba ako sa aking sarili?

Dear Tesa,

Nagpatingin na ba kayo sa doktor?  Tiyak mo bang ang mister mo ang may diperensiya at hindi ikaw? Pag-usapan ninyo ng masinsinan ng asawa mo kung ano ang dapat ninyong gawin at ang tungkol sa pag-aampon kung sakali. Huwag kang mawalan ng pag-asa. Mayroong nagkakaanak na lampas na sa 40 anyos. Ito ay kung hindi ka pa nagme-menopause. Mali rin ang iniisip mo na magpagalaw sa iba. Sa halip makatulong ay maaring magdulot pa ito ng mas malaking problema. Lawakan mo rin ang iyong pananaw. Maraming mag-asawa ang hindi pinalad na magkaanak, subalit nananatili silang masaya sa piling ng bawat isa. Ipanalangin mo sa Dios na kung kaloob Niya na magkaanak kayo ay ito ang mangyayari.

Sumasaiyo,

Vanezza

AKO

DEAR TESA

DEAR VANEZZA

DIOS

HUWAG

IPANALANGIN

KAYA

KUNTENTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with