1st Part
Ito ay huling bahagi hinggil sa mga benepisyo ng papaya sa iyong katawan. Narito pa ang ilan:
Nakakatulong para sa buntis – Karaniwan na sa buntis ang pagkakaroon ng morning sickness o ‘yun masamang pakiramdam sa umaga gaya ng pagsusuka at pagkahilo. Ang pagkain ng isang hiwa ng papaya ay makakatulong para mapigilan ito.
Nakakaiwas sa osteoporosis – Ang taglay na enzymes ng papaya ay nakakatulong para maiwasan ang panghihina ng buto na nagreresulta sa sakit na osteoporosis. Anti-cancer din ang prutas na ito dahil mayaman sa Bitamina A at C. Kaya kung ikaw ay dumaranas ng trangkaso, mabuting kumain ng papaya para mapalakas ang immune system ng iyong katawan.
Shampoo – Mahusay din ito sa buhok, dahil nakakatanggal ito ng balakubak.
Contraception – Sa isang pag-aaral ng mga eksperto, pinakain ng papaya ang mga adult monkeys at naobserbahang nawalan ng gana ang mga ito na makipag-sex kahit pa nagbibigay ng signal ang mga babaeng unggoy para sa kanilang “mating”. Dahil dito, maraming naniniwala na mahusay din na contraceptive ang papaya lalo na kung ang iyong partner ay “mahilig” sa sex. Bukod dito, tumutulong din ang papaya para maging regular ang menstruation ng mga kababaihan. Maging ang pamumulikat ay maiiwasan din sa mga panahon ng pagreregla kung regular na kakain ng papaya.