Guyabano ‘wonder fruit’? (1)
Alam nyo ba ang prutas na soursop, (Annona muricata Linn.)? Ito ang prutas na guyabano, na makikita lang natin sa mga bakuran ng ating bahay. Ang guyabano ay hindi lang makikita sa Pilipinas bagkus ito rin makikita sa iba’t ibang panig ng Central America. Ginagamit ang buto nito sa pagpaparami ng prutas na ito. Bukod sa buto, ginagamitan din ng marcoting, grafting at budding. Puwedeng itanim ito sa lahat ng klaseng lupa ngunit mas mainam magtanim ng guyabano sa lupang mataba at tuyo. Maaaring itanim ito kasama ng durian, manga, langka, rambutan, santol at niyog. Namumunga ito limang taon matapos itong itanim. Malalamang hinog na ang bunga nito kapag ang balat ay nangingintab at ang mga spike nito ay naghihiwalay na. Naririto ang mga benepisyo sa kalusugan ng kagilagilalas na prutas na ito: (Itutuloy)
- Latest