Alam n’yo ba na ang lipstick na ginagamit ng mga kababaihan ay naimbento 5000 taon na ang nakararaan? Ang lipstick ay unang nalikha sa pamamagitan ng katas ng iodine at bromine ngunit ito ay nakakalason at nakakapagdulot ng sakit kapag nailipat sa ibang bibig at pumasok sa katawan, kaya tinawag itong “kiss of death”.
Noong 16th Century, gumamit si Queen Elizabeth I ng lipstick na gawa naman mula sa beeswax at halaman. Dumating ang taong 1770, nagkaroon ng batas sa England laban sa paggamit ng lipstick, kung saan ang sinumang babae na pakakasalan ng lalaki dahil sa lipstick ay maaaring paratangan na isang mangkukulam o witch. Ag`ad naman itong kinontra ng marami. Matapos ang World War II, mas lalong sumikat ang paggamit ng lipstick ng mga kababaihan at hindi na ito napigil hanggang ngayon.
Ang lipstick ngayon ay gawa sa olive oil, mineral, castor oil, cocoa butter, petrolatum at lanolin. Nilalagyan naman ito ng dyes at pigments para magkaroon ng kulay.