^

Para Malibang

Ang Babaing Kinakain Ang Lahat (79)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

MADALI namang naituwid ang katotohanan  tung kol kay ‘Angelina Jolie’. Natuklasan ng media na ang totoong Hollywood actress ay hindi nagpunta sa Manila; ito’y nasa abroad doing a movie, ayon sa publicist nito.

Nag-unahan sa pagbabalita ang iba’t ibang radio and TV network.

“Inuulit po namin, mga mahal naming tagasubaybay, hindi totoo na narito sa bansa natin ang sikat na si Angelina Jolie...”

“Kasalukuyang inaalam ng mga awtoridad kung sino ang babaing matagumpay na nameke kay Miss Jolie...”

“Ang masasabi ko lang sa isyu, mga kalahi kong bakla, kung sinuman ang hitad na pekeng ‘yon—sana ay magkita kami ng personal para makurot ko siya sa  singiiit!”

Isa namang matinik na radio commentator ang may kakaibang paksa na konektado naman sa babaing umano’y kumakain ng lahat.

“Hindi po ako sang-ayon diyan, mga kabayan. Ang babaing kumakain ng lahat ay HINDI pa nakakain ng kapwa babae!

“Opo, mga kabayan, pawang lalaki at mga bagay-bagay ang kinakain ng babaing laging gutom—HINDI kailanman lumamon ng katulad niyang babae!”

Nakisali sa isyung ito ang isa pang radio station. “Bakit hindi kumakain ng babae ang  babaing Enemy Number One? Abaa, siguro po ay merong kakatwang amoy para sa kanya ang mga kapwa babae!  Super-bango ba o...super-baho?

“Your hula is as good as my hula, mga mars! Babuuu!”

SA PIER, nang mga sandaling iyon, si Tatiana ay nakalangoy na sa ilalim ng isang malaking barkong pangkargamento.

Hindi na mapigil ni Tatiana ang gutom, kailangan nang kumain.

KRALANK. KA-ANK. KRANTS.  Tunog ito ng pagkagat-pagngalot ni Tatiana sa ilalim ng cargo ship.

Bago magkalahating oras ay pinasok na ng tubig ang engine room ng barko. Gumewang agad ito.

Nataranta sa takot at sindak ang mga tripulante, buong akala ay sinabotahe na sila.

“Aaahhh!” Nagtalunan sa tubig ang mga tripulante.

(Itutuloy)

AAAHHH

ABAA

ANGELINA JOLIE

BABUUU

ENEMY NUMBER ONE

MISS JOLIE

TATIANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with