Mga pinsalang dulot ng ‘boxing’ (2)
Karaniwang nararanasan ng mga boksingero sa amateur man o professional na laban ang pasa. Ang pangingitim ng balat ay nangyayari dahil sa pinsala sa blood vessels sa loob ng balat. Isang karaniwang halimbawa rito ay ang “black eye” na nararanasan ng bosingero. Sa pamamaga at kirot ng bahaging tinamaan ng suntok ay mababawasan sa pamamagitan ng paglalagay ng yelo.
Pilay at Pagkapuwersa ng kalamnan
Pinsala na may kinalaman sa litid ay karaniwan din sa mga boksingero. Ang litid ay isang makapal na tissue na nagkokonekta sa mga buto.
Ang mga pilay sa bukung-bukong at kamao ang karaniwang napipilay sa mga boksingero na may sintomas ng kirot, pamamaga at pasa. Kapag malubha na ang pananakit sa tendon ito ay maaaring maytendonitis na ang isang boksingero. Ang tendonitis ay karaniwang nangyayari sa bahagi ng katawan na may limitadong supply ng dugo na nagiging sanhi ng pinsala sa tissue. Ang kakulangan sa supply ng dugo ay nakakapigil sa oxygen at nutrients na marating ang tendone upang gumaling agad. Mas mainam na malagyan agad ng yelo ang bahaging namamaga, makapagpahinga at itaas ang bahaging namamaga upang maayos na makadaloy ang dugo.
Pag-alog ng Utak
Karaniwan ang pakaalog ng utak sa lahat ng contact sports katulad ng boksing. Ang pinsala sa ulo ay dahil sa malakas na tama sa ulo. Naaalog ng malakas ang utak na nasa loob ng bungo. Kapag ang malakas na tama ng suntok ay naranasan maaari itong maging dahilan ng abnormalidad sa loob ng maiksing panahon.
Mga ilang sintomas ng pagkaalog ng utak:
Kawalan ng malay-tao
Pagkawala ng memorya
Pagsusuka
Kawalan ng kordinasyon
Pagkalito
Pananakit ng ulo
Bali sa Buto
Mga karaniwang bali sa buto ng mga boksingero:
Ilong
Kamay
Panga
Ribs
Ang karaniwang bahagi ng kamay na nagkakaroon ng bali ay ang metacarpal bones na tinatawag na “boxer’s fractures.”Kinukonekta ng metacarpal bones ang mga daliri sa kamao na maaaring ma-displaced dahil sa malakas na tama.
- Latest