^

Para Malibang

Hirap ka ba dumumi?

Pang-masa

Ang constipation kapag hindi nalunasan ay makakapagdulot ng maraming sakit sa katawan. Kase yung toxins o yung mga wastes na dapat nating ilabas ay iikot sa ating katawan na magiging sanhi ng maraming  karamdaman

Maraming tao ang napakahilig kumain ng karne at talaga naman ina­ayawan ang pagkain ng gulay lalo na ng mga gulay na madudulas kainin gaya ng okra. Ngunit hindi alam ng nakararami na napakaimportante ng gulay na ito sa ating katawan lalo na kapag nagkakaedad at patuloy ang paghina ng panunaw sa tiyan. Bunsod ng hindi agad pagkatunaw ng pagkain at paglabas ng dumi sa iyong katawan, nagdudulot tuloy ito ng iba’t ibang sakit  at ang pinaka pinangangambahan  ng marami ay ang cancer. Bakit nga ba dapat kang kumain ng okra? Narito ang ilang dahilan:

Ito ay mayaman sa fiber na tumutulong para maging normal ang iyong blood sugar kaya naman mahusay itong kainin kung nais na makaiwas sa sakit na diabetes at makaranas ng constipation. Ang fiber kasi ang tumutulong sa tiyan para matunaw ng maayos ang mga pagkain kaya hindi mahihirapan ang iyong intestines na ilabas ang toxins o dumi sa iyong tiyan.

May mataas na lebel ng vitamins A,C,E,K kaya nakakatulong ito para lumakas ang iyong immune system at magkaroon ng mas malusog na paningin.

Mahusay din pagkunan ng iron, calcium, copper, magnesium, phosphorous, selenium at zinc. Dahil sa mga bitaminang ito, magkakaroon ng mas maayos na daloy ng dugo at bilang ng red blood cells at white blood cells na siyang lumalaban sa mga mikrobyo sa iyong katawan.

Kaya ngayon, kahit pa ayaw mong kumain ng gulay lalo na ng okra, dapat ay gustuhin mo ito kung nais maging malusog at hindi mahirapan sa tuwing ikaw ay tatawagin ng “Kalikasan”.

vuukle comment

BAKIT

BUNSOD

DAHIL

IYONG

KALIKASAN

KASE

KAYA

MAHUSAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with