Three-legged Frog
Ito ‘yung palakang may nakasubong Chinese coin. Ito ang “Most Powerful Symbol of Wealth and Abundance”. Saan dapat ilagay?
1--For gambler’s luck—ilagay sa Southeast ng salas kasama ang Taoist’s god of Wealth na si Tua Peh Kong. Okey lang kung walang god of Wealth.
2--Sa tindahan or any business establishment—maglagay ng tig-isang 3-leeged frog sa cash box, shop’s reception at treasurer’s desk.
3--Sa magkabilang gilid ng front door sa loob. Isa ay nakaharap sa loob ng bahay (simbolo ng papasok na pera) at isa ay nakaharap sa labas ng bahay (simbolo ng kokolektahing pera).
4--Maglagay ng siyam na 3-legged frog sa salas. Bawat isa ay nakaharap at nakalagay sa south, north, west, east, northeast, northwest, southeast, southwest, center. Dapat ay nakalapat sa sahig ang mga ito at nakatago sa ilalim ng sopa o mesita.
5--Kung ikaw ay isang ahente na commission basis ang sinusuweldo, idispley ang money frog sa ibabaw ng iyong desk, nakaharap sa iyo at nakatapat sa entrance door.
6--Mas mainam na maglagay ng totoong pera sa ilalim ng bawat money frog para magkatotoong magkapera ka at hindi empty promises ang darating na pera.
7--Huwag maglalagay ng money frog sa bedroom, kitchen at toilet.
- Latest