Central heating/air conditioner – Hindi mo akalain na ang sobrang init at lamig sa isang lugar ay makakaapekto rin pala sa iyong balat at itsura. Ang heater at aircon na madalas gamitin sa loob ng bahay at mga opisina ay nakakadagdag din ng pagtanda dahil natutuyot ang iyong balat, madali ka rin magkakaroon ng wrinkles. Kaya para maiwasan ito, ugaliin ang pag-inom ng tubig.
Asukal – Bukod sa tataba ka at lalaki ang iyong baywang, masama din kainin ang mga pagkaing nagtataglay ng mataas na sugar dahil sinisira nito ang collagen ng iyong balat. Sa oras na masira na ito, mangungulubot na ang iyong balat at luluyloy.
Paggamit ng earphone – Ang pagkabingi ay isang pangkaraniwang sakit ng mga tumatandang tao. Pero sa pag-aaral, patuloy na tumataas ang bilang ng mga taong nasa edad 20 pataas na humihina ang pandinig. Ito ay dahil sa palagiang paggamit ng earphone. Lumalabas din na ang pakikinig ng isang oras sa anumang tugtugin gamit ang earphone ay nakakaapekto na sa pandinig ng tao.