Alam n’yo ba?

Alam n’yo ba na ang dating sex symbol na si Marilyn Monroe ay naliligo ng Champagne? Kailangan niya ng 350 bote ng alak na ito para mapuno niya ang isang tub. Ang bote ng Champagne ay gawa mula sa isang napaka-kapal na bubog, ito ay para maiwasang sumabog ang alak dahil sa mataas na pressure nito sa loob. Ang pressure sa loob ng bote ng Champagne ay tatlong beses na mas mataas kaysa sa gulong ng sasakyan. Mayroong 49 milyong bula o bubbles sa isang 750ml bottle ng champagne.

 

Show comments