Cystitis sa mga babae
Ang Cystitis ay pamamaga ng pantog.
Ayon sa embarassingproblems.com., may dalawang uri ang cystitis at malalaman ang pagkakaiba nito sa pamamagitan ng urine test.
Bacterial cystitis
Ang uring ito ng Cystitis ay sanhi ng bacteria o germs. Ang bacteria na ito na karaniwan ay Escherichia coli (E. coli for short), ay karaniwang naninirahan sa ating puwet.
Sa mga lalaki, ang urethra ay kung gaano kahaba ang penis na tinatayang 24–30 cm ngunit sa mga babae, karaniwang 6cm lamang ito kahaba.
Kaya sa mga babae, mas madaling makarating ang bacteria sa pantog base sa haba ng urethra.
Ito marahil ang dahilan kung bakit karaniwan ang cystitis sa mga babae kumpara sa mga lalaki.
Sa ibang babae, ang bacterial cystitis ay may kinalaman sa sobra o grabeng sexual activity na maaaring makasugat sa urethra at maaaring magtulak ng bacteria sa pantog.
Intertitial cystitis
Ito ay tinatawag ding masakit na bladder syndrome, non-bacterial cystitis.
Ito ay pamamaga ng pantog na walang bacteria.
Ang mga nakakaranas nito ay karaniwang mga babae sa kahit na anong edad ngunit mas karaniwan sa edad 40 pataas.
Hindi pa alam kung ano ang tunay na dahilan nito ngunit may isang theory na ang dahilan ay kulang sa bahagi ng pantog ang substance na glycosaminoglycan. Ang substance na ito ay bahagi ng substance madulas na layer na tumatakip at nagpoprotekta sa lining ng pantog.
Ang isa pang theory ay isa itong uri ng allergy, dahil nagkakaroon ng cells na karaniwan sa allergy sa gilid ng pantog.
Sintomas ng cystitis
*mahapdi, masakit na pag-ihi na madalas at pakonti-konti lang.
*may dugo o malabong ihi.
Bacterial cystitis. Sa bacterial cystitis, nararamdaman ang sakit kapag umiihi lamang ngunit posibleng ang infection ay umakyat sa kidney o atay ngunit hindi naman ito karaniwan. Kung may infection sa kidney, kailangan ito ng tamang treatment kaya magpatingin agad sa doctor kung may dugo o malabo ang ihi, masakit ang tiyan o likod at kung may lagnat at nanghihina.
Intertitial cystitis Kakaiba ang sintomas ng intertitial cystitis. Madalas kang maiihi sa gabi at minsan ay agad-agad at puwedeng hindi maganda ang pakiramdam sa pag-ihi. Makakaramdam ng discomfort sa lower abdomen kapag napupuno ang pantog (pelvic pain) na mawawala lang kung maiihi.
Maaari ring masaktan kapag nakikipag-sex. Grabe ang sintomas kapag malapit nang magkaroon.
- Latest