^

Para Malibang

‘Erotic foods’

MAINGAT KA BA!? - Miss S - Pang-masa

May balak ka bang mag-ala-Vhong Navarro? Pupunta ka ba ng condo at magdadala ng foods?

Bakit ‘di mo i-try magdala ng erotic food baka sakaling hindi ka mabubugbog?

Pero bakit nga ba sinasabing erotic o aphrodisiac food ang isang pagkain?

Ipinaliwanag sa isang artikulo sa WebMD.com kung bakit kinokonsiderang erotic food ang ilang mga pagkain.

Ang mga gulay na tulad ng sibuyas, turnips, leeks, kalabasa, asparagus, artichokes at watercress ay sinasabing hindi lamang nag-i-stimulate ng desire ngunit nagpapataas ng sperm count.

Ang mga may korteng prutas tulad ng mansanas at pears  na may kurbada ay tini­tingnan ding mga erotic food.

Ang mga putas na mabuto ay ikinukumpara sa “seeds of fertility.”

Ang talaba ay ang pinaka-kilalang erotic food.

Ang talaba ay may mga elements na hindi naman nakaka-stimulate ng genitals  ng babae o lalaki.

Ang mga elements na ito ay  tubig, protein, carbohydrate, fat, kaunting asin, glycogen at kaunting minerals tulad ng potassium at calcium na hindi naman nakaka-stimulate.

Pero dahil sa itsura, korte at pagka-madulas  ng talaba, sinasabing aphrodisiac food ito.

Ang chocolate ay kinokonsiderang aphrodisiac food pero sa isang research noong 1980, nakita ang chemical na phenyl ethylamine (PEA) sa cho­colate. Ang PEA ay central nervous system stimulant na nakikita sa human brain at nakakatulong para mabuhay ang emosyon.

Ngunit kaunting PEA lang ang nakukuha sa chocolate  na hindi sapat para maapektuhan ang ating emosyon.

Ibig sabihin, kaya erotic food ang chocolate ay dahil sa lasa nito at dahil sa texture nito na natutunaw sa ating bibig kapag kinakain.

Suma-total, kapag ang mga pagkain ay kahawig o kahugis ng genitals, ito ay kinokonsiderang erotic food.

Bukod sa itsura at hugis, may lima pang ibang qualities ang pagkain na iniuugnay sa sensuality.

Kinokonsiderang sexy food ang isang pagkain kapag ito ay smooth, rich, creamy, exotic at spicy.

vuukle comment

BAKIT

BUKOD

EROTIC

FOOD

IBIG

IPINALIWANAG

PERO

VHONG NAVARRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with