Ang babaing kinakain ang lahat (54)

 “BURRPP.”  Kaylakas ng dighay ni Tatiana alias Bangs at Bangekngek. Nabusog talaga kay Giorgio ang dalagang kinakain ang lahat.

``Pero mayamaya’y napaigtad siya, natutop ang lalamunan.

Pakiramdam ni Tatiana ay magbo-vomit siya, maduduwal at masusuka.

Nag-vomit na nga. “Guaarkk”.

Si Tatiana ay nagpapanic, may bumara kasi sa kanyang lalamunan. Meron pala siyang kinain na hindi nginuya, nilulon lamang.

Pakiramdam ng dalagang alien, ang nasa lalamunan ay hilaw na pansit-mike, nakalikaw sa kanyang tonsils.

Sa huling mga sandali bago siya natuluyan, big­lang naibuga niya ang nakabara. “Pwah!”

Isang pares na sintas pala ng sapatos ni Giorgio ang muntik pumatay sa babaing alien.

“Uum-uumm! Impakto kang sintas kaa!”  Pinirapiraso ni Tatiana ang mapanganib na mga sintas.

Mayamaya’y nakarinig ng katok si Tatiana, sa labas ng motel room nila ni Giorgio. TOK-TOK-TOK.

Sa  taglay niyang X-ray vision na pinagana ni Tatiana, nakita ng dalaga ang guwapong waiter.

“Food service po, m’am, sir”.

“Wait, I’m coming!” sagot ni Tatiana, “papunta na ako diyan!”

Naalala niyang umorder nga  pala ng pagkain si Giorgio; kakainin daw nila matapos ang pagniniig sa kama.

“Poor Giorgio, kinain ko na siya. Ngayo’y ako na lang ang kakain ng pagkain. Hi-hi-hi”. Of course sa loob-loob lang ito ng dalagang napakasama ng bisyo sa mundo ng tao.

Tiwalang pumasok ang waiter dala ang tray ng pagkain.

Naka-bathrobe lang si Tatiana, sadyang ipinakita sa waiter ang hindi dapat ipakita.

(ITUTULOY)

Show comments