Gumawa ng sariling lucky charm

Sa New Moon gawin ang ritwal na ito. Isingit mo ang barahang alas na diamond sa Bibliya kung nasaan ang Psalm/Awit 4, 57, 65. Piliin mo kung alin sa tatlong Psalm ang iyong pagsisingitan. Dasalin ng 3 beses ang napiling Psalm.

Kinabukasan ng umaga ay kuhanin ang baraha at humarap ka sa East. Dasalin ang mga sumusunod.

O, Diyos na makapangyarihan sa lahat , Adonai, El Shaddai, sa pamamagitan ng inyong anak na si Panginoong Hesukristo ay igawad mo po sa akin ang bisa ng mga orasyong nakasaad sa aklat na ito na hindi magiging labag sa inyong banal na kautusan.

Ako po si (pangalan mo) na nakatira sa (address mo). Huwag mo po akong pababayaan, Amen.

AMA NAMIN,  SATOR, AREPO, TENET, OPE­RA, ROTAS

(Dasalin ang Ama Namin; pagkatapos ay isunod ito)

AD MAYOREM DEI GLORIAM

(Usalin ng tatlong beses ang sumusunod na orasyon at ihihip sa baraha)

GRACIA ALA VENI BONE GRATIA IN VIVA MEAM IN INTERCESIONE SAN JOSE AMEN. Ilagay ang baraha sa wallet o bag at dalhin sa katawan sa tuwina.

 

Show comments