Bumabalik ba ang ‘virginity’?

Maraming babae, lalo na ‘yun mga may edad na ang nagnanais na mu­ling maibalik ang kanilang “virginity”. Noong unang panahon malabo itong mangyari, pero ngayon dahil sa mga high technology na naiimbento ng tao maaari  ng mapasikip ang vagina  ng isang babae, hindi man maibalik ng buong-buo ang virginity nito. Ang tawag dito ay “vaginoplasty”. Ang procedure na ito ay naglalayong muling “pasikipin” ang iyong vagina matapos na ito ay medyo lumuwag nang ikaw ay manganak. Ayon sa  ilang surgeons na nagsasagwa nito,  ang vaginoplasty ay mas nakakapagpadagdag ng “sensitivity” ng vagina ng babae.

Bagama’t totoo na ang vaginal tissues ay nahahatak at napapaliit din, ngunit wala rin itong garantiya na makakapagbigay ito ng mas magandang epekto sa pakikipag-sex.

Isa pang procedure para mapasikip ang vagina ay ang tinatawag na “labiaplasty”, isa itong plastic surgery  para naman sa labia o sa tila labi sa paligid ng iyong vagina. Maaaring ito lang ang gawin sa’yo o kaya ay kasama ang vaginoplasty.  Binabago nito ang laki at hugis ng labia, ito ay para paliitin ang labia.

Bagama’t may mga procedures na maaaring gawin para mapasikip muli ang iyong vagina, hindi pa rin ito kasiguruhan na madadagdagan ang inyong “sexual pleasure”. Mahalaga pa rin ang pagkakaroon ng maayos na pagsasama ninyong  mag-asawa.

 

Show comments