Pag-inom ng gatas, nakakamatay?
Maraming nagsasabi na ang pag-inom ng gatas ay nakakapatibay ng buto. Kaya lang sa pinakabagong pag-aaral ng BMJ medical journal, may ilang bilang ng tao ang namatay ng maaga dahil sa mataas na lebel ng gatas ng baka sa kanilang katawan at marami namang kababaihan ang nagkaroon ng malutong na buto sa kanilang katawan.
Ginawang eksperimento ng Swedish team ang 61,000 kababaihan na may edad 39-71-anyos at pinag-aralan nila ang mga ito sa loob ng 20-taon at kasunod naman nito ang 45,000 kalalakihan na may edad na 45-79-anyos sa loob ng 11-taon, kung saan nagbigay ang mga ito ng detalyadong uri ng pagkain, inumin, gawi ng pamumuhay, bisyo, timbang at lebel ng edukasyon.
Ngunit laking gulat na lang ng mga eksperto dahil 25,500 sa mga taong ito ay namatay at 22,000 ang nagkaroon ng diperensiya sa kanilang mga buto. Lumalabas na ang namatay na 180 sa 1,000 kababaihan sa nasabing grupo ay umiinom ng tatlong basong gatas sa isang araw sa loob ng 10-taon kumpara sa grupong hindi naman pala-inom ng gatas.
“Women who consumed three glasses or more per day had a 90 percent higher risk of death, 60 percent higher risk of hip fracture and 15 percent higher risk of any fracture compared to those who drank less than a glass,” ayon kay Karl Michaelsson ng Uppsala University.
Gayunman, ipinaliwanag ng mga nasabing researchers na maaari pa rin na nagkataon lang ang nasabing pangyayari. Ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin naman anilang makakapagbigay ng rekomendasyon kung gaano karaming gatas ang maaari o hindi maaaring inumin ng isang tao dahil iba’t iba pa rin ang epekto nito sa katawan ng tao, partikular na sa mga taong may high tolerance sa gatas. (mula sa www.yahoo.com)
- Latest