Last Part
Ito ay karugtong ng paksa kung anu-anong mga dahilan bakit kailangan mong makipag-sex araw-araw:
Nagbibigay ng mahimbing na pagtulog – Kung mapapansin mo, ‘pag tapos na kayong mag-love-making ng iyong partner ay inaantok ka na. Ito ay dahil sa pagtaas ng oxytocin sa iyong katawan, kaya naman nagkakaroon ng masarap na pagtulog. Nakakatulong din ang sex para maibsan ang anumang sakit na iyong nararamdaman.
Malambot na balat – Ang sex ay mahusay na pang-exfoliate ng balat. Kapag nagla-love-making kasi, naglalabas ang iyong katawan ng pawis at natural oils gaya ng linoleic acid. Isa itong moisturizing element na matatagpuan sa olive oil, kaya naman nakakatulong ito upang magkaroon ng makinis at malambot na balat na wala ka naman kakaibang ini-a-apply o ginagamit.
Nakakapagpabata – Ang pagkakaroon ng good sex life ay nakakapagpabata. Nagbibigay din ito ng immunity laban sa sakit sa puso, cancer at depression. Kaya ang resulta, hindi ka lang mukhang bata kundi “feeling young” ka rin dahil wala kang sakit. Hindi mo na rin kailangan na maglibang kung saan-saan, magbabad lang sa kama at presto! Sasaya ka na.