Sawsawan

Panaginip: Nagkakainan kami sa aming bakuran nang may lumipad na ibon sa plato na may bagoong alamang na pinagsasawsawan namin ng mangga. Patay ito nang bumagsak sa plato kung saan nakalagay ang alamang. Ang mga taong kasalo ko ay ang aking ex-girlfriend at present boyfriend niya. In real life, nagkabalikan kami ng ex habang may relasyon pa sila ng kanyang ka-live-in. – F3G5

Interpretation: Ang sawsawang bagoong ay simbolo ng iyong girlfriend. Common sawsawan ng mga nasa hapag kainan. Ang sawsawan mo ay sinasawsawan din ng ibang lalaki. Hindi magandang pangitain ang patay na ibon. Mag-isip isip ka sa pinasok na relasyon. Gulo lamang ang idudulot niyan sa iyo.

Show comments