Ang kulay silver na kaliskis (kulay ng pera) at sword-like body ng arrowana o dragon fish ang nagdadala ng magandang kapalaran sa sinumang mag-aalaga nito sa kanilang aquarium. Kung mag-aalaga ka, isa, tatlo o lima ang ilalagay sa isang aquarium. Huwag mag-aalaga ng pares. Kung ang arrowana ay pakakainin ng maayos at aalagaang mabuti, ang kulay nito ay nagiging pink o lalong kumikintab ang pagiging silver. Ang pagkintab nito o pagiging pink ay nagbabadya ng good energy na nagdadala ng magandang kapalaran. Dapat ay maluwag na nakakakilos ang arrowana sa aquarium upang makalangoy ito nang maayos. Iwasan ang pagsisisiksikan. Mainam na ilagay ang aquarium sa alinman: North corner, East or southeast corner. Huwag maglalagay ng aquarium sa bedroom.