Gingivitis (2)
Mahalagang maintindihan natin na ang mga ngipin ay nakatanim sa buto ng ating panga sa pamamagitan ng tinatawag na “periodontal fibers”. Kapag ang bacteria ay napabayaang dumami ay nasisira at nalalagas ang mga fibers at butong kinakapitan ng ngipin. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit minsan ay gumagalaw at kumakalog ang ngipin sa loob ng bibig. Ibig sabihin nito, malaki na ang pagkawasak ng buto at fibers dahil sa pagkakaroon ng sakit na ito. Mas ma-lakas din ang pagdurugo ng gilagid na dulot nito.
Ang paggamot ng mga sakit na ito ay ang tinatawag na Oral Prophylaxis na dapat ay ginagawa ng kahit dalawang beses sa isang taon. Kung may periodontitis at mas malalalim ang mga dumi sa loob ng gilagid, kinakailangan ng “Root Planing”. Ang root planing ay ang paglinis ng mga ugat ng ngipin dahil sa mga dumi (plaque at tartar) ay namuo at umabot na sa mga sa loob ng gilagid hanggang ugat ng ngipin. Minsan tinatawag itong deep cleaning. Kinakailangan na nito ang anesthesia (nonSurgical Root Planing). Kung hindi na kayang abutin ng instrumento ang mga dumi, minsan ay nangangailangan ng buksan ang gilagid upang malinis ng mabuti ang mga ugat (Surgical Root Planing) at tinatahi ito pagkatapos.
- Latest