^

Para Malibang

Kapag malaki ang paa ni kuya...

Pang-masa

Maraming nag-aakala na ang mga lalaking may malalaking paa ay mayroon din malalaking “alaga”. Mali. Dahil sa pinakabagong survey na isinagawa ng IllicitEncounters.com, dating site para sa mga taong may-asawa, lumalabas na 18% ng mga lalaking British ay size 7 lang ang paa at 4% lang sa kanila ang nagloloko sa kanilang relasyon.

Kabaliktaran naman nito ng mga lalaking may paa na size 11, dahil 22% ng mga lalaking ganito ang  sukat ng paa ay naghahanap ng ibang babae na magbibigay sa kanila ng “sexual pleasure”.  Kaya naman dito nabuo ang konklusyon na ang mga lalaking may malaking paa ay mayroon din malaking kargada.

Kinokonsidera rin na ang mga lalaking may sukat ng paa na 12-13 pulgada ay mga “unfaithful” o mga babaero.

Ayon kay David Perrett, specialist sa psychology at neuroscience sa University of St. Andrews, ang katawan ng lalaki ay magkakakonekta at dapat na tama ang laki sa isa’t isa. Kaya kung malaki ang katawan, dapat na malaki rin ang paa.  Hindi rin maiaalis na kapag malaki ang isang tao, mas pansinin siya ng kanyang kapwa, kaya naman mas madali siyang makakuha ng karelasyon sa oras na kanyang gugustuhin.

Pero, kahit kailan, hindi tinatanggap ng siyensiya ang paniniwalang masusukat ang “penis” ng isang lalaki sa laki ng kanyang paa o ng anumang bahagi ng kanyang katawan.

Sa ngayon si Brahim Takioullah, 29, mula sa Morocco ang itinuturing na mayroong pinakamalaking paa. Nasa 38.1 cm ang kanyang kaliwang paa habang ang kanan ay 37.5 cm.  May taas siyang 8ft 3ins at kinikilalang ikalawa sa pinakamataas na tao sa mundo.

Kaya kapag nakita mong malaki ang paa ni kuya, ‘wag mo agad ate iisipin na mayroon din siyang malaking “kuwan”. Dahil isa itong mala­king maling paniniwala.

AYON

BRAHIM TAKIOULLAH

DAHIL

DAVID PERRETT

KABALIKTARAN

KAYA

PAA

UNIVERSITY OF ST. ANDREWS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with