Nakakatulong at nakakasamang pagkain sa sexual desire

Narito ang iba pang mga pagkain at inumin na nakakatulong o nakakasama sa ating sexual health.

Alcohol – no good

Ang pag-inom ng isang basong alak o isang bote ng beer ay naka-karelax. Sa iba ang epekto nito ay nagwawala ang inhibitions at nagkakalakas ng loob.

Kaya nga sa mga bar, madaling makipagkilala kasi nga puro nakainom na ang mga tao.

Pero ang totoo, ang alkohol ay isa sa mga bagay na maaaring makasira ng iyong love life.

Kapag sobra sa alkohol, naaapektuhan ang iyong sexual desire, ang iyong arousal at sensitivity.

At dahil nawawala na ang iyong inhibitions, ‘di malayong makagawa ng mga bagay ukol sa pakiki­pag-sex na hindi mo dapat gawin.

Kaya hinay-hinay din sa pag-inom at ilagay sa lugar.

Almonds - good

Ang almonds ay may zinc, selenium at vitamin E na malaki ang naitutulong sa  ating sexual health at reproduction.??

Ang selenium ay nakakatulong sa  infertility issues at ang vitamin E ay maganda rin para sa puso.

Ang  Zinc ay gumagawa ng men’s sex hormones na nagpapataas ng libido.??

Ang maayos na pagdaloy ng dugo ay mahalaga sa  import sex organs, kaya piliin ang pagkain na may good fats tulad ng omega-3 fatty acids na mayroon ang almonds. (Source: health.com)

 

Show comments