Dear Vanezza,
Tawagin nyo na lang po akong Yuan. May bf po ako ngayon at maayos naman ang aming pagsasama. Ang problema ko po, galit sa akin ang kapatid niya sa hindi ko malamang dahilan. Dati na akong ginawan ng masama ng kapatid niya ng bundulin niya ako, mabuti na lang at galos lang ang tinamo ko. Madalas sinusungitan ako at sinisiraan ako. Hindi ko alam kung bakit ganun na lang ang galit n’ya sa akin. Bago naman naging kami ng bf ko ay friends pa kami. Nag-sorry na ako sa kanya kahit hindi ko alam kung ano ba dapat kong ika-sorry. Tuwing may okasyon binabati ko siya pero walang reply. Pati mama nila binati ko pero walang reply kaya feeling ko galit sa akin ang pamilya niya. Wala naman ginagawa ang bf ko para magkaayos kami ng kapatid niya at para makilala ako ng husto ng parents niya. Ano po ang gagawin ko?
Dear Yuan,
Ipagpatuloy mo lang ang pakikitungo ng maganda sa kanya sa kabila ng magagaspang na ipinapakita niya sa iyo. Sabi nga sa Bible, repay evil with good. Baka sa patuloy mong pagpapakita sa kanya ng kabutihan ay magbago rin siya. Kung hindi pa rin siya magbago sa kabila ng good treatment mo sa kanya, hindi mo na ito problema. Siya ang may problema dahil galit siya at ikaw ay hindi. Keep on praying for her too at huwag magtanim ng hinanakit. Pag-usapan n’yo rin ng bf mo ang problemang iyan. Dapat na siyang pumagitna dahil parehong mahal niya sa buhay ang nagbabanggaan.
Sumasaiyo,
Vanezza