Kailangan ng katawan natin ng protina para sa pag-develop ng muscles at tissue, sa paggawa ng enzymes, hormones at iba pang kemikal sa ating katawan. Paano nga ba makakamit ang protina ng hindi kumakain ng karne? Naririto ang ilan sa mga pagkain na mayaman sa protina ng hindi nanga-ngailangan na kumain ng karne:
1. Seitan – Ang seitan ay kilala rin bilang wheat gluten na binubuo ng 75% ng protina. Sa 100g nito ay makapagbibigay ng protina na kailangan ng ating katawan.
Mababa ito sa sodium at carbohydrates, pero mataas sa iron, mainam na pinagmumulan ng calcium. Ito rin ay mababa sa fat na magandang kainin ng mga nagdidiyeta para makakuha ng sapat na protina. Puwede rin itong pamalit sa manok at pabo.
2. Lentils - Kapag ikaw ay hindi regular na kumakain ng lentils baka maengganyo ka na ngayon na isama ito sa iyong daily diet kapag nalaman mo ang benepisyo nito sa ating kalusugan. Mayaman din ito sa protina katulad ng seitan na maaaring pamalit sa karne.
Ang lentils ay punung-puno ng fiber, kapag ikaw ay kumain ng 100 gramo ay makakakuha ka ng 26 na gramo ng protina. Mayaman din ito sa minerals katulad ng iron, magnesium, at potassium. Mababa rin ito sa fat, sodium at ito rin ay cholesterol free.
3. Peanut Butter – Isang masarap na pagkain na puwedeng pamalit sa karne ang peanut butter na mayaman sa protina. Ang isang quarter nito ay makakapagbigay ng kailangang protina ng ating katawan. Masarap na mayaman pa sa ibat-ibang klaseng mineral na kailangan natin sa pang-araw-araw. Mayaman din ito sa potassium at fiber. May roon din itong bitamina B-6 na makakatulong sa ating atay at ilang metabolic process.
Kapag gusto mong bumaba ang timbang siguraduhing hindi masobrahan sa peanut butter dahil mataas ito sa fat na puwedeng makapagpataas ng timbang.
4. Hemp Seed – 23g per 100g - Ang hemp seeds ay nasa pang-apat na posisyon sa ating countdown, pinanggagalingan ito ng mataas na protina. Sa protinang taglay nito ay madaling natutunaw ang pagkain na nasa loob ng iyong tiyan.