Alam n’yo ba na yelo o snow ang ginagamit ng mga sinaunang tao noon para ma-preserve ang kanilang pagkain? Ito ay bago pa man maimbento ang refrigerator. Ang unang naipakilalang refrigerator ay naimbento at itinuro ni William Cullen sa University of Glasgow noong 1748. Kaya lang hindi niya naman ito ginamit at ipinakilala sa masa. Noong 1805, ang imbentor na si Oliver Evans naman ang nagdisensiyo ng refrigeration machine.