May ‘Wealth Luck’ ba ang Wallet mo? (2)

Sa Fengshui, importante ang kulay ng wallet na ginagamit ninyo. Narito ang epekto ng kulay sa wallet:

Pink

Hindi lang wealth luck ang makakamtan kundi financial support mula sa asawa at mga kapamilya. ‘Yun bang kapag nangailangan ka ng pera ay maraming willing magpautang o magbigay ng pera sa iyo.

Black

Ito ay mainam doon sa mga marami nang pera ngunit gusto niyang mapanatili ang pagiging mayaman. Kapag gumamit ka ng black wallet, habang gumagastos ka, lalong maraming pera ang darating sa iyo. Kaya pangmayaman lang ito. Hindi angkop sa “poor”.

Brown

Dapat itong gamitin ng mga taong may existing savings sa banko. Pinaparami nito ang ipon mong pera sa banko. Itutuloy

 

Show comments