Para maibalik ang dating ‘init’ (1)

Nawala na ba ang dating ‘init’ ng iyong pagmamahal. Natural lang ‘yan. Dumarating talaga sa isang tao ang medyo nawawalan ng gana sa sex,

Sa katunayan, ayon sa isang artikulo sa health.com, higit sa kalahati ng mga babae at 15% ng mga lalaki ang  nawawalan ng gana sa regular na sex, base sa isang research.

Kung nangyayari ito sa inyo ngayon, ‘di dapat mag-alala dahil may mga bagay na puwedeng gawin para buhayin uli ang inyong sexual desire.

Kailangan lamang ng kaunting adjustment sa inyong lifestyle upang mabalik ang dating ‘init.’

Narito ang mga suhestiyon ng mga experto ayon sa health.com

 Hatiin ang trabaho sa bahay - Pagdating sa bahay galing sa trabaho, siyempre pagod na si Mommy at si Daddy. Pero hindi pa tapos ang araw nila dahil may kailangan pa silang gawin bilang mga magulang.

Kapag natapos na ang pag-aasikaso sa mga bata, siguradong may mga ligpitin pang matitira. At malamang may inuwi pang trabaho na kailangang gawin. Sa dami ng gawain, wala nang time para ‘mag-lovey-dovey’ si Mommy at si Daddy.

Makakatulong kung hahatiin ang mga gawain. Siguraduhing hindi lang si Mommy o si Daddy ang gagawa lahat ng trabaho nang sa gayon ay may matitira pang energy para sa ‘paglalambingan.’ Sa ganitong paraan, mas masa-satisfy ang bawat isa.

 Privacy - Lagi ba ninyong katabi sa kama matulog ang inyong mga anak. O kaya’y laging may kasamang alagang aso o pusa sa kuwarto. Nakakatuwa man ang mga bata at mga alaga na kasama sa kuwarto pero ayon sa mga eksperto, nakakasira ng mood ito.

Nawawala ang inyong privacy kaya malabong pumasok sa isip ang pagme-make-love kung merong mga ‘istorbo.’ Iminumungkahing i-lock ang pinto sa loob ng inyong pribadong silid pagdating sa gabi. Maaaring sanay na kayong kasama sa kuwarto ang mga bata at mga alaga pero kapag walang mga istorbo, mas madaling mag lovey-dovey.

 

Show comments