Alam n’yo ba?

Alam n’yo ba na maaaring gamitin bilang hair conditioner  ang honey? Nagbibigay din ito ng kintab sa buhok na patay. Maghalo lang ng isang kutsaritang honey at dalawang kutsaritang virgin olive oil at saka ilagay ito sa iyong buhok at panatilihin ito ng 20-30 minuto bago banlawan. Bukod dito, nakakaalis din ang honey­ ng mga “unwanted hair”. Paghaluin lang ang honey, katas ng lemon o kalamansi at asukal. Pakuluin ito at hayaang lumamig. Ipahid ang mixture gamit ang popsicle stick.  Halimbawa, kung sa kilikili ipapahid ang mixture, gumamit ng bulak at kuskusin ang balat na may buhok hanggang sa uminit ang pakiramdam ng iyong balat at saka hilahin ang bulak upang sumama ang buhok at dead skin cell.

 

Show comments