Anong Klase Kang Politiko?
Last part
7, 16, 25 - Matalino, malalim mag-isip at mapag-isa. Kakaunti lang ang nagiging kaibigan pero kapag nagkaroon ng tunay na kaibigan, asahan mo, ang samahan nila ay tatagal habang buhay. Mas mainam na pasukin ang pulitika kung ang posisyon ay makukuha sa pamamagitan ng “appointment”. Halimbawa, posisyon ng cabinet members. Hindi kasi siya kasing-sociable at kasing charming ng number 6 kaya kapag tumakbo sa eleksiyon, magiging mahina ang hatak niya sa mga botante.
8, 17, 26 - Basta’t sila ay pumasok sa isang bagay, iyon ay pangangatawanan nila hanggang sa kahuli-hulihang laban. Kaya kung mamumuno sila ng bansa, gagawin nila ang lahat para maging mabuti at mahusay na lider. Kaya lang kung papasok sa ulo nila ang kanyang kapangyarihan, may tsansang maging diktador. Mas magiging mahusay siyang negosyante kaysa pulitiko.
9, 18, 27 - Bagay silang pumasok sa public service dahil sa pagiging maawain, palabigay, at may charming personality kagaya ng number 6. Mararanasan muna ang maraming paghihirap bago magtagumpay sa mundo ng pulitika.
- Latest