‘Polyps’ (1)
Nararamdaman mo ba ang sipon mo ay hindi mawala-wala? Pag babara ng ilong na hindi mawa-lawala kahit na ikaw ay uminom na ng gamot para sa sipon at allergy, maaaring ito ay nasal polyps. Nasal polyps ay noncancerous na lumalaki sa lining sa iyong ilong na tinatawag na mucosa.
Ano ang sanhi ng nasal polyps?
Ang nasal polyps ay lumalaki sa namamagang tissue sa nasal mucosa. Ang mucosa ay isang basang layer na tumutulong na protektahan ang loob ng iyong ilong, sinuses at tumutulong na ma-humidify ang hangin na iyong hinihinga. Sapanahon na may impeksyon o allergic reaction, ang nasal mucosa ay nagiging maga at namumula at naglalabas ng likido na tumutulo palabas. Sa pagpapatuloy ng iritasyon ang mucosa ay maaaring magkaroon ng polyp. Ang polyp ay hugis bilog na lumalaki at humaharang sa mga butas ng ilong. (Itutuloy)
- Latest