Anong Klase Kang Pulitiko?

Kung nagkataong ikaw ay naging pulitiko at ang birthday mo ay—

4, 13, 22, 31 - Loyal sila sa  kanilang trabaho, gagawin nila ang lahat upang matapos ito sa takdang oras. May sarili siyang diskarte at  kakaibang mag-isip. Madalas na ang opinyon nila ay kabaliktaran ng opinyon ng nakararami. Kaya napagkakamalang matigas ang ulo o rebelde. Sa lahat ng numero mula 1 hanggang 9, sila ang madalas makasuhan ng libelo dahil sa kanilang walang takot na pagbibigay ng kakaibang opinyon. Mahihirapang magtagumpay kung papasukin ang pulitika dahil maraming makakabangga.

5, 14, 23 - Magaling pumulso sa gusto ng ibang tao kaya kapag binigyan ng trabaho, mahusay niya itong natatapos. ‘Yung tipong masisiyahan talaga sa resulta ng kanyang ginawa. Kaya kung papasukin ang pulitika, alam nila kung ano ang dapat gawin upang mahalin sila ng nasasakupan. Kaya lang, may pagkakataong pabigla-bigla kung magdesisyon. Hindi sila natatakot na sumugal sa mga gagawing desisyon kahit walang kaseguruhan ang magiging resulta. Ang ugaling  ito ang dapat nilang plantsahin kung nasa public service na sila. Hindi tama na isugal nila ang kinabukasan ng mga taong nagtiwala sa kanila noong eleksiyon.  Itutuloy        

Show comments