Ang Hintuturo
Hintuturo o Jupiter Finger. Ang tuwid at makinis na hintuturo ay nagsasaad ng “malakas na kutob” at magandang pagpapalakad sa buhay.
Ang butuhang hintuturo ay kadalasang mabagal magdesisyon. Pinag-iisipan muna niyang mabuti ang isang bagay bago isagawa ang desisyon.
Kapag ang hintuturo ay mas maikli kaysa ring finger, siya ay may inferiority complex na maaaring halata sa kanyang mga kilos o itinatago lang. Ito ang nagiging hadlang para ilabas niya ang kanyang talent.
Ngunit kung ang hintuturo ay mas mahaba kaysa ring finger, may tendency na maging dominante. Gagawin niya ang lahat para lang makamit ang ambisyon sa buhay.
Ang Panggitnang Daliri
Saturn ang tawag sa panggitna o middle finger. Kapag sobrang mahaba ang middle finger, siya ay matalino.
Kung maikli naman, malakas ang kutob at emosyonal. Mahilig sa art kung medyo pointed ang dulo ng daliri. (Itutuloy)