Gamot sa mabahong paa

Last part

Gumamit ng tamang medyas. Gumamit ng medyas na makakahinga ang inyong paa. May ilang tao na gumagamit ng natural fiber katulad ng cotton at wool na mas maganda, may iba naman na mas nagugustuhan ang acrylic pero mas mainam na sumubok ng iba’t ibang fiber na maaaring makapagpanatili na tuyo ang iyong paa. Magpalit ng medyas kada araw at iwasang gumamit ng me­d­­­ yas na ginamit sa magkasunod na araw na hindi man lang nilabhan ito.

Gumamit ng sapatos na makakahinga ang paa. Gumamit ng open shoes katulad ng  sandals, dahil  pinapanatili nito ang pagpasok ng hangin sa paa na nagpapatuyo ng pawis at pumipigil sa pagdami ng bacteria na nagdudulot ng mabahong amoy sa paa. Kung hindi naman maaaring gumamit ng sandals ay marapat na gumamit ng leather o canvas na sapatos

Labhan ang iyong sneakers. May ilang sapatos na katulad ng sneakers at ibang canvas footwear – na  puwedeng labhan ng washing machine. Hayaang matuyo sa hangin kesa gumamit ng dryer.

Pasingawin ang sapatos. Pasingawin ang sapatos pagkatapos gamitin. Magpalit ng sapatos araw-araw. Ang sapatos na hindi ginamit sa araw na iyon ay luwagan ang sintas at itaas ang dila ng sapatos upang makasingaw ang loob nito.

Maglagay ng cornstarch sa loob ng sapatos. Maglagay ng cornstarch sa sapatos para ma-absorb ang pawis at mapanatiling tuyo ang paa.

Kumain ng tama. Iwasang kumain ng bawang sibuyas, scallions, at maaanghang na pagkain dahil may mga substances ito na maaaring makapagdulot ng mabahong pawis sa iyong paa.

Maging kalmado. Ang stress at pagkabalisa ay nakapagpapataas ng produksiyon ng pawis na maaaring makapagbigay sa mga bacteria ng pagkain na nagdudulot ng mabahong amoy sa paa.

 

Show comments