Mga hadlang sa ‘sex mood’ (1)

Maraming mag-asawa/mag-partner ang kinakailangan pang magpunta sa hotel para lang muling buhayin ang kanilang “sex life”. Ito ay dahil kapag sila ay nasa loob ng kanilang bahay o kuwarto nawawala na ang kanilang gana na makipag-do sa isa’t isa. Marahil ay dahil na rin sa itsura ng inyong kapaligiran sa loob ng bahay. Ang kuwarto ang dapat na maging “love nest” ng isang mag-asawa at hindi ang ibang lugar. Narito ang ilang hakbang kung paano magkakaroon pasisiklabin ang “sex mood” sa  loob ng bahay/kuwarto.

Maglinis – Ang maruming  kuwarto ay kagaya rin ng pagiging “bad breath” ng isang tao. Isipin mo na lang kung may ibang tao na makakakita ng inyong maruming kuwarto o bahay, ano ang magiging impresyon ninyo sa kanila? Maaaring maisip nila na maging sa inyong katawan ay hindi rin kayo kapwa malinis. Isipin mo na lang na kung ang isang kuwarto ay puno ng maruming damit, nakasabit na mga resibong hindi pa nababayaran, mga gusot na damit. Tiyak na sisigaw ka sa sobrang gulo ng iyong kapaligiran at presto! Ilang minuto pa ay mag-aaway na kayo. Kaya naman hindi ninyo na maiisip  na mag-lovemaking. Kaya naman para maiwasan ito simulan mo ng linisin ang inyong kuwarto, ipamigay ang mga damit at sapatos na hindi na kasya sa inyo, bayaran ang bills. (Itutuloy)

Show comments