Dear Vanezza,
Isa po akong OFW. Tawagin nyo na lang akong PJ, binata. Naguguluhan ako sa lovelife ko. May gf ako sa Pinas, regular ang komunikasyon namin noon, pero ngayon malamig na siya sa akin. Isang kaibigan ang nagsabi na hindi niya raw ako mahal at naaawa lang sa akin ang gf ko. Pero nang umuwi ako, malambing naman siya. Pagbalik ko ng abroad, iba na ang pakikitungo niya. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin.
Dear PJ,
Love is a two-way street. When you love someone, she has to love you back. May mga pangyayaring nawawalan ng pag-ibig ang isa pero mahal pa rin siya ‘nung isa. Magpasalamat ka at ngayon pa lang ay nakikita mo na kung ano ang tunay niyang damdamin sa iyo. Paano kung ikinasal kayo at magkaganyan siya? Lalong masakit, di ba? Maraming mapait na reyalidad na dapat natin na tanggapin. Pero sa kabila nito, life must go on. Hindi mo dapat na paikutin ang iyong buhay at puso sa babaeng kuwestiyunable ang damdamin para sa iyo. Ngayon pa lang ay tulungan mo ang iyong sarili na ilayo ang iyong puso sa kanya, dahil kung ipagpipilitan mo lang ang iyong sarili ay ikaw rin ang talo sa bandang huli. Kung talagang mahal ka niya mapapatunayan niya ito sa iyo sa oras na pinigilan ka niyang umalis sa kanyang buhay. Tiyak naman na may darating pa rin sa iyong bagong pag-ibig na parehong kayong magbibigay at makakatanggap ng pagmamahal.
Sumasaiyo,
Vanezza