Laging pinapatay sa panaginip

Panaginip: Bakit lagi akong nananaginip na ako raw ay pinatay? Ang pumapatay sa akin sa bawat panaginip ay hindi ko makilala kung babae o lalaki dahil malabo ang paligid. Tapos mabilis lang. Pagkapatay sa akin ay tapos na. Nagigising na ako.---RJ

Interpretation: Ang pagpatay sa iyo ay simbolo ng kagustuhan mong “patayin” ang mga bagay na hindi mo gusto sa iyong sarili. Kaya hindi mo makilala ang “pumapatay” sa iyo ay dahil ikaw mismo ‘yun.

Show comments