The ghost of ‘Padre Tililing’(51)
BABAGUHIN ni Miranda ang kagigisnang mundo ng isisilang na anak. Ito ang pangako ni Miranda.
“Mabubuhay ka nang mapayapa, anak. Walang ligalig, walang agam-agam.”
Natigilan si Miranda sa huling salita. Agam-agam, ano ba ang ibig sabihin ng katagang ito?
“Siyet, nagsasalita pala ako ng hindi ko alam ang kahulugan.” Nabahala ang matatag na smuggling queen.
Posible bang ang meaning ng agam-agam ay ang pag-alala sa mga tapat na tauhan—na nangamatay na? O kaya’y nawala na sa kanyang poder?
Naalala niya ang dalawang tapat na tauhan. Nami-miss niya ang mga ito. “Antonya...Arnold...” Hindi niya nami-miss ang legal na mister—si Simon.
Naglaho na nga ba ang pagmamahal niya dito?
Si Simon na ama ng kanyang isisilang—burado na sa kanyang puso?
Bumuntunghininga si Miranda nang maraming beses, sumagap ng sariwang hangin mula sa dagat.
“Aling Desta, bigyan mo ako ng malaking saging na latundan. Dalawa.”
May nakahanda naman saging sa lalagyan ng mga prutas. Kumain agad ng isa si Miranda, inuna ‘yung malaki at mahaba.
Naunawaan niyang Diyos lamang ang nakagagawa ng saging. At Diyos din lamang ang nagkakaloob ng batang isisilang.
At mapapalad ang mga babaing pinagkakalooban ng anak, naunawaan din ni Miranda. Tulad niya—nais talaga niyang magkaroon ng supling.
Hindi siya kasing malas ng isa niyang kumare—na umasam ng anak pero hindi napagkalooban.
Mayamaya’y nakadama siya ng malamig na presencia.
Nilingon niya, tama pala ang hula niya. “Carlo a.k.a. Padre Tililing! Alam ko ang gusto mo.”
Nginitian ni Miranda ang kaunaunahang lover. (ITUTULOY)
- Latest