Kilalanin ang 12 Sun Signs

Ang Capricornian ay masinop, may sariling kusa, makatwiran at praktikal. Kadalasan ay tahimik sila at malihim, may tiwala sa sarili pero kung minsan ay pabago-bago ng isip. Ultimate wish niya ay yumaman at maging makapangyarihan. Hindi emosyonal ang mga Capricornian. Mabagal sila pagdating sa panliligaw. Mahina nang manligaw, napakaselan pa sa pagpili ng makakarelasyon. Pero kapag natagpuan ng Capricornian ang kanyang pakakasalan, makakaseguro ang kanyang asawa na siya lang ang mamahalin at wala nang iba.

Ang Capricornian lady ay babaeng pambahay, maasikaso sa asawa at mga anak pero kulang sa pagiging romantika. Nais niya’y manirahan sa tahimik na lugar, hangga’t maaari ay malayo sa mataong lugar.

Ang bagay niyang mapangasawa ay Scorpio, Cancer or Pisces. Lucky days ay Biyernes, Martes, Sabado at Miyerkules. Ang araw na maproblema ay Linggo, Lunes, at Huwebes. Magandang tumaya sa Martes at Biyernes. Sa Sabado gawin ang may kaugnayan sa negosyo.  Sa Martes pumirna ng mga dokumento at kontrata. Lucky numbers ay 6, 9, 8. Iwasan ang 3. Masuwerte ang white, black, red at blue. Iwasan ang yellow at green.

Show comments