Kilalanin ang 12 Sun Signs (6)

Virgo: Matangkad, balingkinitan ang katawan, may makapal at magandang korte ng kilay, madalas ay mas bata siyang tingnan kumpara sa kanyang kasalukuyang edad, may kaakit-akit na mata, prangka at honest na kausap. May ambisyong yumaman kaya masipag maghanapbuhay. More or less, ito ang main characteristics ng Virgo-born persons. Kadalasan ay nag-aasawa ng maaga. Matalino kaya nahihirapang humanap ng mapapangasawa. Importante sa kanya ang pagiging matalino ng magiging asawa, sekondaryo na lang ang pag-ibig. Mahiyain siya kaya nahihiyang ipakita ang kanyang pagmamahal sa karelasyon. Compatible sa Virgoans ang Taurus, Capricorn, Cancer, Scorpio o mga taong ipinanganak sa araw ng Lunes.

Iwasan ang pagiging gala dahil ito ang magiging daan ng kanyang kapahamakan. Huwag masyadong aasa sa  kaibigan sakaling maging assistant mo siya sa isang project o trabaho. Baka ipahamak ka niya. Ang Virgo lady at naniniwalang  hindi ganoon kahalaga ang sex sa isang relasyon. Kaya huwag nang magtaka kung bakit ang Virgo lady ay pinagtataksilan ng kanilang asawa. Suwerte ang hatid ng Miyerkules, Biyernes, Lune at Huwebes. Ganoon din ang mga numero 2, 3, 5, 6 at 7. Lucky colors ay yellow, white, emerald green. Iwasan  ang red, blue at black.

         

Show comments